MARIA, INA NG DIYOS

January 01, 2016
Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos
Pagbasa: Bilang 6: 22-27 / Salmo 67: 2-3. 5.6.8 (2a) / Galacia 4: 4-7
Mabuting Balita: Lukas 2: 16-21

REFLECTION:                                                                                                                                      
Una po sa lahat, Isang Maligayang Bagong Taon po sa inyong Lahat!.  Ngayong araw pinagdiriwang ng Simbahan ang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos. Marami sa panahon ngayon lalo na sa mga hindi Kristiyano-Katoliko ang bumabatikos kay Maria dahil hindi daw dapat siyang tawagin na "Ina ng Diyos". Halimbawa, Isipin natin na ang iyong Ina at ikaw ay magkasama sa isang lugar ngunit ang tingin ng madla sa iyong ina ay iba, at nagtanong sa iyo na "Katulong nyo?''. Hindi nila nirespto ang iyong magulang, ang tingin nila sa kaniya ay Katulong lang syempre bilang anak ang gagawin ko ipagtatanggol ko ang aking Ina. Gano'n ang mga Kristiyano ngayon sa pagtapak ng Kabanalan at pagka-magulang kay Hesus. Hindi nila Iginagalang si Maria sa Sakripisyo nito para lamang maisakatuparan ang lahat ng plano ng Kaligtasan ng Sansinukuban. Malaki ang Sakripisyo ni Maria.
Hanggang sa Krus nandoon si Maria kahit na Wasak na Wasak ang kanyang Puso sa Kadalamhatian ngunit hindi niya pinigilan ang Plano ng Kaligtasan ng Diyos bugkus sinuportahan niya ang kalooban ng Diyos para sa lahat ng Tao. Isang halimbawa ng pagiging suportado ni Maria sa kaniyang anak ay ang Juan 2: 4-5 na: "Huwag po ninyo akong pangunahan, Ginang(Maria). Hindi pa ito ang tamang panahon, tumindig si Maria at sinabi sa mga lingkod: Gawin nyo ang anumang sabihin niya". Gano'n sumoporta ang Mahal na Ina, paglilingkuran niya ang kanyang anak kahit na siya'y matanda na. Kahit na ang binansagang Pinaka-erhe ng Simbang Katolika ay nagsabi: "One should Honor Mary as she wished and as she expressed it in the Magnificat. How then can we praise Her? The true honor of Mary is the Honor of God, The Praise of God's grace. Mary does not wish that we come to her, But through Her to God." - Martin Luther (1521). Akalain natin na isa sa mga nagtaguyod ng Protestantismo at Ugat ng pagkakaroon ng mga "Religious Domination" ay kinikilala si Maria kaysa sa mga Kristiyano ngayon. Kahit mismo ang Panginoong Diyos ay Lubos na Ginagalang si Maria hindi dahil tinanggap niya ang hiling Diyos bagkus Tinanggap niya ang Kaligtasan ng Sankatauhan-iyon ay si Hesus, sa simpleng pagbati ng Anghel Gabriel kay Maria isinama ng Diyos sa kanyang mensahe ang salitang "Aba, napupuno ka ng Grasya" - Lukas 1: 28
Mismong ang Diyos ay nagpasabi sa anghel ng mga Wikang iyon na hindi dapat sapagkat siya'y Diyos-ang Makapangyarihan sa lahat, ngunit para sa Kaligtasan, ginawa iyon ng Diyos. Ngunit bakit nga ba tinatawag na Ina ng Diyos si Maria?. Tayong mga Katoliko ay naniniwala na umiiral si Hesus na Diyos, Siya ay merong walang hanngang Ama ngunit wala siyang walang hanggang Ina, gayon pa man si Hesus ay nagkatawang tao at isinilang ng tao nang sagayon siya'y tunay niyang Ina. Sapagkat hindi tumigil ang Pagka-Diyos ni Hesus hanggang sa kanyang pagkakatawang-tao: Siya ay Diyos sa sinapupunan ni Maria hanggang ito'y lumaki. si Maria'y nanganak at nagpalaki ng bata na siyang Diyos na nagkatawang-tao (ang salita'y naging tao) sa gayon SI MARIA ANG INA NG DIYOS NA NAGKATAWANG TAO.


Panginoon, dinadalangin namin sa iyo na bigyan mo ng karunungan ang bawat Kristiyano na naliligaw ng landas at ang mga nililigaw ang kanilang mga landas, Panginoon dinadalangin din namin ang mga Kristiyanong hindi kinikilala ang iyong Inang si Maria at niruruyak ang kanyang Pagiging Ina at sa kanyang Kabanalan. Amen

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento