Ang Bibliya : Bakit, Ano at Saan
BAKIT?
BAKIT?
Bakit binuo ang Bibliya?
Noong mga sinaunang siglo ng Simbahan, naglitawan ang mahigit sa 50 na ebanghelyo. Kasama rito ang apat na ebanghelyo na mababasa natin sa Bagong Tipan at ang iba pang ebanghelyo tulad ng ebanghelyo ni Santiago, ebanghelyo ni Tomas, ebanghelyo ng mga Hebreo, at iba pa. Mayroon ding 22 na Aklat ng mga Gawa - ang mga gawa ng mga Apostol , at mga gawa ni Pablo, ang mga gawa ni Tecla at iba pa.
Marami rin ang mga Sulat na tulad ng nakikita natin sa Bagong Tipan; nariyan ang mga sulat ni Pablo sa mga taga- Laodicea, ang Liham ni Bernabe, at iba pa. Lumikha ang mga ito ng pagkalito sa mga Kristiyano sapagkat may aklat at mga sulat na huwad at mayroon namang totoo. May ilan sa kanila na naglalaman ng mga pamahiin at katawa-tawang mga kuwento ng himala ni Jesus at ng mga apostol. Lumitaw ang maraming bulaang propeta na nagtuturo ng mga teolohiyang kabaligtaran ng mga turo ng mga apostol.
Upang ipagsanggalang ang tunay na Simbahan at mga dokrina nito mula sa mga apostisiya, nagpasya ang Simbahang Katoliko na piliin ang ilang mga aklat na tila totoo at ginabayan ng Diyos ang pagsulat; nakilala ito bilang canon ng Bibliya, na ang ibig sabihin ay " siyang nagtatakda o nagbibigay ng tunay na pamantayan. Kaya naman, ang Bibliya ay mula sa Simbahan at hindi ang Simbahan ang nagmumula sa Bibliya.
SAAN?
Nilikha ng Simbahan ang Bibliya
Si Melito na Obispo ng Sardis (370 AD) ang unang sumubok na magkaroon ng canonng Lumang Tipan subalit marami sa mga aklat na ginagabayan ng Diyos ang pagsulat ay hindi makikita sa kanyang talaan. Sa pahintulot ng Papa sa Roma, ginawa ng Konseho ng Laodicea (360 AD) ang kauna-unahang canon ng Bibliya. Ngunit noong panahon lamang ni Papa Damaso (367 AD) nagkaroon lamang ng malaking pagsisikap na makabuo ng Bibliya. Tinipon ng banal na Papang ito ang mga aklat na sa palagay niya'y totoo at kinasihan ng Diyos; iniutos niya kay San Geronimo na isalin ang mga ito sa wikang Latin, na siyang opisyal na wika ng Simbahan. Nagtungo at nanirahan ng tatlumpong taon sa isang yungib sa Jerusalem si San Geronimo upang tuparin ang gawaing iniatang sa kanya. Sa taong 397 AD, natapos niya ang kanyang gawa at iniharap niya ito sa Papa. Nakilala ito bilang Latin Vulgate.Tinawag naman ito ni Papa Siricio na "Bibliya" na ang ibig sabihin ay "katipunan ng mga aklat".
Datapwa't si Lucas ay hindi apostol ni Jesus, tinanggap ng Papa ang kanyang ebanghelyo sapagkat binibigyang linaw nito ang maraming mga pag-aalinlangan tungkol sa mga doktrinang may kinalaman kay Maria - sapagkat pinaniniwalaan ng sinaunang Simbahan na natanggap ni Lucas mula kay Maria ang kuwento tungkol sa pagkapanganak at pagkabata ni Jesus. Kilala rin si Lucas sa kanyang mga ipinintang mga larawan ni Maria at ng sanggol na si Jesus (isa sa mga larawang ito ay iniingatan pa rin sa Basilika ni Maria Mayor sa Roma). Binibigyang-linaw naman ni Mateo ang tungkol sa pagiging una ni Pedro at ang Simbahang itinatag ni Jesus sa ibabaw ng batong si Pedro. Ginamit naman ng mga sinaunang Kristiyano ang ebanghelyo ni Juan upang ipagtanggol ang totoong pag-iral at presensiya ni Jesus. Isang buong kabanata ang inilaan ng ebanghelyong iyon upang talakayin ang paksang ito - "ang aking laman ay tunay na pagkain at ang aking dugo ay tunay na inumin" (Jn 6:55) Samantalang si Marcos naman, bilang malapit na kapanalig ni Pedro sa Roma ay ipinagtanggol ang pagkakapili kay Pedro at ang kapangyarihan nito.
ANO?
May Dalawang Bahagi Ang Bibliya
Lumang Tipan - binubuo ng tatlumpu"t anim (46) na aklat.
Bagong Tipan - binubuo ng dalawampu"t pitong (27) aklat.
LUMANG TIPAN
Filipino English
Mga Pentateuko o Mga Batas Pentateuch
1. Genesis Genesis
2. Exodo Exodus
3. Levitico Liviticus
4. Mga Bilang Numbers
5. Deuteronomio Deutronomy
Mga Kasaysayan Historical Books
6. Josue Joshua
7. Mga Hukom Judges
8. Rut Ruth
9. 1 Samuel 1 Samue
10. 2 Samuel 2 Samuel
11. 1 Hari 1 King
12. 2 Hari 2 King
13. 1 Mga Kronika 1 Chronicles
14. 2 Mga Kronika 2 Chronicles
15. Esdras Ezra
16. Nehemias Nehemiah
17. Tobias Tobit
18. Judit Judith
19. Ester Esther
20. 1 Mga Macabeo 1 Macabees
21. 2 Mga Macabeo 2 Macabees
Mga Aklat ng Karunungan (Tula) The Wisdom Books
22. Job Job
23. Mga Salmo Psalms
24. Mga Kawikaan Proverbs
25. Eclesiastes Ecclesiastes
26. Awit ng Mga Awit Songs of Songs
27. Karunungan Wisdom
28. Sirac Sirach
Mga Propeta The prophetic Books
29. Isaias Isaiah
30. Jeremias Jeremiah
31. Mga Panaghoy Lamentetions
32. Baruc Baruch
33. Ezequiel Ezekiel
34. Daniel Daniel
35. Osias Hosea
36. Joel Joel
37. Amos Amos
38. Abadias Obadiah
39. Jonas Jonah
40. Miqueas Micah
41. Nahum Nahum
42. Habacuc Habakkuk
43. Sofonias Zephaniah
44. Ageo Haggai
45. Zacarias Zechariah
46. Malaquias Malachi
BAGONG TIPAN
Filipino English
Mabuting Balita Gospels
1. Mateo Matthew
2. Marcos Mark
3. Lucas Luke
4. Juan John
Mga Gawa ng Mga Apostol
5. Mga Gawa Acts of the Apostles
Mga Sulat Letters
6. Romano Romans
7. 1 Corinto 1 Corinthians
8. 2 Corinto 2 Corinthians
9. Galacia Galatians
10. Efeso Ephisians
11. Filipos Philippians
12. Colosas Colossians
13. Tesalonika 1 Thessalonians
14. 2 Tesalonika 2 Thessalonians
15. 1 Timoteo 1 Timothy
16. 2 Timoteo 2 Timoth
17. Tito Titus
18. Filemon Philemon
19. Hebreo Hebrews
20. Santiago James
21. 1 Pedro 1 Peter
22. 2 Pedro 2 Peter
23. 1 Juan 1 John
24. 2 Juan 2 John
25. 3 Juan 3 John
26. Judas Jude
27. Pahayag Revelations
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento