Sino ang may gawa ng Bibliya?
Sino ang ang may gawa ng Bibliya?
Sa kanyang buong buhay dito sa lupa, hindi kailanman nabanggit ni Jesus ang tungkol sa Bibliya. Hindi Niya iniutos sa atin kailanman na sumampalataya sa isang aklat. Hindi rin natin nakitang iniutos Niya sa mga apostol na sumulat ng isang aklat. Walang Bibliya noong panahon ng mga apostol. Hindi isang aklat ang itinatag ni Jesus bilang saligan ng pananampalataya kundi isang Simbahan na siyang "haligi at suhay ng katotohanan" (1Tim 3:15). At hindi niya ipinangako na ang aklat na iyon ay mananatili, sa halip, ang Kanya mismong sarili ang mananatili sa piling ng kanyang Simbahan hanggang sa katapusang ng panahon at gagabayan ng Banal na Espiritu ang mga apostol at ang mga kahalili nila tungo sa "kaganapan ng katotohanan" matapos ang pag-akyat niya sa langit. Sinabi pa Niya "Kung ayaw na niyang pakinggan maging ang simbahan, ay ituring mo siya bilang Hentil at maniningil ng buwis."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento