Karaniwan ipinagdiriwang ang Pagbati ng Angel kay Maria
tuwing Marso 25. Itong araw na ito ay ginagamit sa siyam na buwan bago ang
Pasko (Disyembre 25). Gayunpaman, ang petsang ito ay minsang pumapatak ng Mahal na Araw, at ang bawat araw ng Mahal
na Araw ay mas mahalaga kaysa sa kapistahang ito.
Ang Kapistahan ng Pagbati kay Maria ay mahalaga, at hindi
maaring alisin sa kalendaryo. Bagkus, sinasabi ng ‘Roman Missal’: “Kapag ang Kapistahang ito ay nanyari sa
Mahal na Araw, ito’y maililipat sa Lunes pagkatapos ng ikalawang linggo ng
Panahon ng Muling Pagkabuhay.”
Basehan: 8 Things to Know about the Announciation by Jimmy
Akin at sa Catholic Fortress Facebook Page
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento