Ano ang Passiontide at bakit tinatakpan ang mga Imahe kapag Passiontide?



Tuwing sasapit ang Ika-limang linggo ng Kuwaresma, ating napapansin na ang mga imahe lalo na ang mga Krusipiho sa mga parokya ay natatakluban ng kulay-lilang tela. Ang kaugalian to ay ang simula ng ‘Passiontide’. Ang panahon na ginugunita nating mga Katoliko ang sumisidhing pagpapahayag ng pagka-Diyos ni Kristo at ang kanyang pag usad patungong Jerusalem. Ang Tradisyong ito ay nagmula sa dating Kalendaryong Liturhikal kung saan ang dating ebanghelyong binabasa sa araw na ito ay naglalahad ng kung paano itinago ni Hesus ang kanyang sarili sa mga Hudyong nais siyang batuhin.


Ayon sa ebanghelyo ni San Juan, “nagkaroon ng salungatan si Hesus at ang mga Hudyo ng ipahayag ni Hesus ang kanyang pagiging Diyos. Dahil dito kumuha sila ng bato para siya’y batuhin ngunit nagtago si Hesus at lumabas ng Templo.” Ang buong salaysay na ito ay mababasa sa Kapitulo 8 Bersikulo 48-59 ng ebanghelyo ni San Juan. Sa Pagbabago ng Kalendaryong Liturhikal noong 1969, ang ebanghelyong ito ay maririnig tuwing Huwebes ng ika-limang linggo ng Kuwaresma. 


At ayon kay San Agustin, sa sandaling kinubli ni Hesus ang kanyang sarili, si Kristo ay naglaho sa pamamagitan ng kanyang Kalikasan bilang Diyos o “Divine Nature”. Ipinaliwanag di ni San Agustin na ang pagkukubli ni Hesus ay hindi bunsod ng takot o pagtakas kundi ang kanyang kapangyarihan bilang Diyos ang nagdulot sa kanya upang maglaho at dumaan sa gitna ng mga tao.


Bilang tanda ng Misteryong ito, ang mga Krus at mga imaheng may kinalaman kay Kristo ay tinatakpang ng Lilang tela sa Gabi bago ang ‘Passiontide’. Tinatakpan di ang mga imahen ng mga Santo at Santa sapagkat nararapat lamang na kung ang Kaluwalhatian ng Panginoon ay nakakubli, gayon di ang mga tapat niyang lingkod ay hindi dapat magpakita.


Paano kapag ang Announciation ay nasa araw ng Mahal na Araw?



Karaniwan ipinagdiriwang ang Pagbati ng Angel kay Maria tuwing Marso 25. Itong araw na ito ay ginagamit sa siyam na buwan bago ang Pasko (Disyembre 25). Gayunpaman, ang petsang ito ay minsang pumapatak  ng Mahal na Araw, at ang bawat araw ng Mahal na Araw ay mas mahalaga kaysa sa kapistahang ito.
Ang Kapistahan ng Pagbati kay Maria ay mahalaga, at hindi maaring alisin sa kalendaryo. Bagkus, sinasabi ng ‘Roman Missal’:  “Kapag ang Kapistahang ito ay nanyari sa Mahal na Araw, ito’y maililipat sa Lunes pagkatapos ng ikalawang linggo ng Panahon ng Muling Pagkabuhay.” 

Basehan: 8 Things to Know about the Announciation by Jimmy Akin at sa Catholic Fortress Facebook Page

Linggo ng 'Laetare'?


Ang Ika-apat na linggo ng Kuwaresma ay tinatawag na “Laetare”
Ibig sabihin ng Laetare ay ‘Magalak’, ito ay hango mula sa aklat ni Propeta Isaias (66: 10-11) na “O Laetare Jerusalem”. Katulad ng ‘Gaudete’ sa panahon ng Adbiyento, ang Linggong ito ay sumisimbolo na ang lahat ay magalak (kahit na tayo’y na sa panahon ng pagaayuno) sapagkat ang dakilang pagliligtas ng Diyos ay magaganap at pakiki-isa sa Muling Pagkabuhay. Ito rin ay hinango mula sa Pambungad na awit sa Banal na Eukaristiya ang Laetare.

(Papa Benedikto XVI sa kulay rosas na vestment)
Ang kulay rosas na kasuotan ang gamit sa araw na ito, tulad ng Linggo ng Gaudete sa Adbiyento.

MARIA, INA NG DIYOS

January 01, 2016
Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos
Pagbasa: Bilang 6: 22-27 / Salmo 67: 2-3. 5.6.8 (2a) / Galacia 4: 4-7
Mabuting Balita: Lukas 2: 16-21

REFLECTION:                                                                                                                                      
Una po sa lahat, Isang Maligayang Bagong Taon po sa inyong Lahat!.  Ngayong araw pinagdiriwang ng Simbahan ang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos. Marami sa panahon ngayon lalo na sa mga hindi Kristiyano-Katoliko ang bumabatikos kay Maria dahil hindi daw dapat siyang tawagin na "Ina ng Diyos". Halimbawa, Isipin natin na ang iyong Ina at ikaw ay magkasama sa isang lugar ngunit ang tingin ng madla sa iyong ina ay iba, at nagtanong sa iyo na "Katulong nyo?''. Hindi nila nirespto ang iyong magulang, ang tingin nila sa kaniya ay Katulong lang syempre bilang anak ang gagawin ko ipagtatanggol ko ang aking Ina. Gano'n ang mga Kristiyano ngayon sa pagtapak ng Kabanalan at pagka-magulang kay Hesus. Hindi nila Iginagalang si Maria sa Sakripisyo nito para lamang maisakatuparan ang lahat ng plano ng Kaligtasan ng Sansinukuban. Malaki ang Sakripisyo ni Maria.
Hanggang sa Krus nandoon si Maria kahit na Wasak na Wasak ang kanyang Puso sa Kadalamhatian ngunit hindi niya pinigilan ang Plano ng Kaligtasan ng Diyos bugkus sinuportahan niya ang kalooban ng Diyos para sa lahat ng Tao. Isang halimbawa ng pagiging suportado ni Maria sa kaniyang anak ay ang Juan 2: 4-5 na: "Huwag po ninyo akong pangunahan, Ginang(Maria). Hindi pa ito ang tamang panahon, tumindig si Maria at sinabi sa mga lingkod: Gawin nyo ang anumang sabihin niya". Gano'n sumoporta ang Mahal na Ina, paglilingkuran niya ang kanyang anak kahit na siya'y matanda na. Kahit na ang binansagang Pinaka-erhe ng Simbang Katolika ay nagsabi: "One should Honor Mary as she wished and as she expressed it in the Magnificat. How then can we praise Her? The true honor of Mary is the Honor of God, The Praise of God's grace. Mary does not wish that we come to her, But through Her to God." - Martin Luther (1521). Akalain natin na isa sa mga nagtaguyod ng Protestantismo at Ugat ng pagkakaroon ng mga "Religious Domination" ay kinikilala si Maria kaysa sa mga Kristiyano ngayon. Kahit mismo ang Panginoong Diyos ay Lubos na Ginagalang si Maria hindi dahil tinanggap niya ang hiling Diyos bagkus Tinanggap niya ang Kaligtasan ng Sankatauhan-iyon ay si Hesus, sa simpleng pagbati ng Anghel Gabriel kay Maria isinama ng Diyos sa kanyang mensahe ang salitang "Aba, napupuno ka ng Grasya" - Lukas 1: 28
Mismong ang Diyos ay nagpasabi sa anghel ng mga Wikang iyon na hindi dapat sapagkat siya'y Diyos-ang Makapangyarihan sa lahat, ngunit para sa Kaligtasan, ginawa iyon ng Diyos. Ngunit bakit nga ba tinatawag na Ina ng Diyos si Maria?. Tayong mga Katoliko ay naniniwala na umiiral si Hesus na Diyos, Siya ay merong walang hanngang Ama ngunit wala siyang walang hanggang Ina, gayon pa man si Hesus ay nagkatawang tao at isinilang ng tao nang sagayon siya'y tunay niyang Ina. Sapagkat hindi tumigil ang Pagka-Diyos ni Hesus hanggang sa kanyang pagkakatawang-tao: Siya ay Diyos sa sinapupunan ni Maria hanggang ito'y lumaki. si Maria'y nanganak at nagpalaki ng bata na siyang Diyos na nagkatawang-tao (ang salita'y naging tao) sa gayon SI MARIA ANG INA NG DIYOS NA NAGKATAWANG TAO.


Christus Vincit, Christus Regnat, Christus Imperat


LAUDES REGIAE (Christus Vincit, Christus Regnat, Christus Imperat) [short version]

Latin                                

*Christus vincit, Christus regnat, Christus imperat.  Laudate Dominium omnes gentes, laudate eum omnes populi.              
*Christus vincit, Christus regnat, Christus Imperat. Quoniam  confirmata est super nos misericordia ejus, et veritas, Domini manet in aeternum
*Christus vincit, Christus regnat, Christus Imperat. Gloria Patri et Filio, et Spiritui Sancto
*Christus vincit, Christus regnat, Christus imperat.  Principio et nunne, et semper, et in saecula saeculorum. Amen